Linggo, Hulyo 17, 2011

FIRST BLOG EVAAAAAAAAAAAH!:)

Hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat ng isang blog ngayon, basta ang alam ko gusto ko lang ng mapaglalabasan ng kung ano mang nasasaloob ko ngayon. Ako nga pala si Rianne Insigne. Dayang kung ako'y kanilang tawagin. College na ko ngayon, well hindi naman sa pagmamayabang pero mas madali ang college kesa sa pagiging high school o baka ako lang ang nadadalian. Kasi naman hindi naman ganun kahirap sa napasukan kong school e. mayabaaaang! Well totoo yon, sa state university kasi ako pumapasok. Oha. Bakit nga ba tayo napunta sa usapang eskwela e di ba nga nagsusulat ako nagyon para mailabas ko ang nararamdaman ko. Hay nako.

Sa tingin ko mabait naman ako, maayos naman ako wala naman akong sapak ewan ko ba sa ibang tao kung bakit ang sama sama ng tingin nila sakin. Hindi ko maintindihan kung insecure lang ba sila o sadyang ugali na nila ang manghusga e. Wala naman silang dapat ika-insecure sakin. Hindi naman ako maganda (kahit lagi ko sinasabi na maganda ako. pampalakas ko lang ng loob yon. syempre ala nga namang sabihin ko yung sarili ko na panget ako di ba. pero alam ko naman na hindi ako nabibiyayaan ng maganda mukha) hindi ako maputi, hindi rin ako ganun katalino kaya kapag iniisip ko kung bakit ganun na lang sila makapag-isip ng masama sakin e hindi ko naman sila inaano. Grabe na mga tao ngayon. Kakaiba. Kala mo mga hindi nag-aaral e. Napakajudgemental pero kapag sila naman yung ginanon sigurado mamamatay sa galit mga yan. Hay nako. Buhay nga naman. 

Hindi lang yan ang hinanaing ko ngayon. Tsssk. Naiinis din ako sa mga kaklase ko. Bakit ang tatamad nila? Bait ayaw nilang gumawa ng sarili nilang assignments? Bakit!? Bakit!? Nagsasawa na ko kakapakopya sa kanila. Yung grade na sana para sakin lang dapat, yung grade na mag-aangat sakin papunta sa Dean's List  nawawala yon kasi shineshare ko sa kanila yung mga sagot ko, yung mga assignments ko na pinaghirapan ko. Pttttf. Biruin mo, pinaghirapan mo tapos iba yung makikinabang. Hindi naman sa Nagdadamot ako, baka naman isipin nyo napakadamot kong tao, pero nakakasawa na lagi na lang ganito. Lagi na lang bang silang aasa sa iba? Sa akin? SANA NAMAN MAG-ARAL NA SILA!!

Napakaraming problema ng isang tipikal na college girl. Problema sa pamilya, problema sa allowance, problema sa classmates, problema sa pag-aaral, problema sa LOVE LIFE! Grabe, kelan ba mamawala ang problema ko sa love life. Kapag ayoko magboyfriend dun sila dumadating, kapag naman gusto ko ng boyfriend dun wala, puro mga gago yung mga dumadating. Hay, gusto ko na makita yung mapapangasawa ko. :)))))


Wala na kong masabi, magaan na pakiramdam ko. Salamat sa blogging at nailabas ko lahat ng sama ng loob ko. Ngaon, kung may makakabasa man nitong ginawa ko na to, at sasabihing "napakawalang kwenta nitong ginawa ko" pwes WALA AKONG PAKIALAM SAYO! NEKNEK MO!  

Goodbye! Godbless Philippines! :)))))

3 komento:

  1. kaya nga natin nahanap ang isat isa dahil sa mga tanginang tao kung makapanghusga. haha. we found shelter from each and everyone of us. tayong F4 na babae.haha. na sobrang gaganda.hahaha

    TumugonBurahin
  2. buti sana kung kami ang kokopya sayo.hahaha.ayos lang sa pakiramdam kasi magkakaibigan naman tayo.at totoo.pero kung iyon ang putangnang paraan nila sa pakikipagkaibigan..well friends with benefits.kaso hindi pleasurable.hahaha.mga parasites kasi sila eh.hahahaha

    TumugonBurahin